Nanawagan si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na magpatupad ng mga reporma sa mga bilangguan.
Kabilang na dito ang pagpapaigting ng mga hakbang upang maiwasan ang paglaganap ng mga deadly weapons at illegal drugs kasunod ng nangyaring “riot”sa loob ng Quezon City Jail.
Batay sa intelligence report, ang kaguluhan ay isinagawa ng mga miyembro ng Batang City Jail (BCJ), para puwersahang tanggalin ang kasalukuyang QC Jail Warden na si JSupt. Michelle Bonto.
Naputol umano ang plano matapos na pigilan ng grupo ni Bonto ang illegal drug trade sa loob ng kulungan.
Pagkatapos ng insidente sa pasilidad, agad nagpatupad ng Operation Greyhound sa piitan, binasag ang mga pader kung saan nakatago ang mga kontrabando tulad ng baril, bladed weapons pera at droga.
Dahil dito pinuri ng alkalde ang jail warden dahil sa matagumpay na operasyon.