“7 out of 10”
Ito ang ibinigay na grado ni Tracing Czar at Bagiuo City Mayor Benjamin Magalong sa contact tracing efforts sa Metro Manila sa gitna ng paglaban sa Coronavirus pandemic.
Ayon kay Magalong, ang markang kaniyang ibinigay ay batay sa mga datos at sa kaniyang assessment.
Aniya, mayroong improvement sa contact tracing sa Metro Manila pero hindi pa rin ito sapat.
Mula July 28 hanggang August 3, ang contact tracing ratio sa Metro Manila ay nasa 1:3 (one-is-to-three) habang tumaas ito pagdating ng August 11 hanggang 18 na nasa 1:5 (one-is-to-five).
Malayo pa rin ito sa pamantayan o ideal ratio na nasa 1:37 (one-is-to-thirty-seven), kung saan sa isang COVID-19 patient ay dapat mayroong 37 close contacts ang natutunton ng isang contact tracer.
Iginiit ni Magalong na kailangan pang paigtingin ang contact tracing sa lahat ng Local Government Units (LGUs).