Mayor Bernard Dy, Imbitado sa ika-5 SONA ni Pangulong Duterte via Zoom Meeting

Cauayan City, Isabela- Inaasahan ng maraming Pilipino ang mga dagdag na pagbabago sa bansa ngayong isasapubliko ni Pangulong Duterte ang kanyang mga nagawa at gagawin pa sa ika-5 State of the Nation Address.

Ayon kay City Mayor Bernard Dy, kasama siya sa pagdaraos ng SONA sa pamamagitan ng zoom meeting matapos imbitahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Aniya, isang malaking pinagtuunan ng pansin noong nakalipas na SONA ni Pangulong Duterte ang paglilinis ng mga sidewalk na siyang dahilan ng mabigat na trapiko hindi lamang sa NCR kundi maging sa buong bansa.


Kinakailangan aniya na mapakinggan ng buong bansa ang kanyang talumpati dahil lahat ay apektado lalo na sa sitwasyon dahil sa coronavirus.

Samantala, nagpatupad ng ‘NO QR CODE, NO ENTRY POLICY’ ang LGU Cauayan sa mga papasok sa City Hall.

Facebook Comments