Mayor Bernard Dy, Nagbabala sa Taas-Singil ng Pamasahe sa Araw ng CAVRAA 2020

256

*Cauayan City, Isabela*-Nagbabala si City Mayor Bernard Dy sa lahat ng drayber ng mga pampublikong tricycle sa Lungsod ng Cauayan na huwag samantalahin ang taas-singil sa pamasahe sa mga dadalo sa araw ng Cagayan Valley Regional Athletics Assciation (CAVRAA 2020) sa Pebrero.

Kasabay ito ng inaasahang pagdagsa ng daan-daang tao mula pa sa mga kalapit na bayan upang saksihan ang isang malaking sports event sa rehiyon.


Ayon kay Mayor Dy, nakikiusap ito sa publiko na ipakita pa rin ang pagiging isang tapat na Cauayeño hindi lamang sa araw ng sports event kundi maging sa araw-araw.

Ito ang unang pagkakataon na magiging punong abala ang lungsod sa pagdaos ng isa sa malaking event sa buong lambak ng Cagayan.

Facebook Comments