Mayor Bernard Dy, Nagself-quarantine matapos magtungo sa Senado

*Cauayan City, Isabela*- Boluntaryong nagself-quarantine si Cauayan City Mayor Bernard Dy matapos makasalamuha sina Senator Sherwin Gatchalian at Sen. Migz Zubiri sa senado nitong miyerkules, Marso 11, 2020.

Nagboluntaryo ang dalawang senador matapos makahalubilo ang isang empleyado ng senado na positibo sa COVID-19.

Ayon kay Dy, ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at masigurong maayos ang kanyang sitwasyon sa loob ng 14 days quarantine kaya’t minabuti nitong manatili na lamang sa Metro Manila at hindi umuwi sa lungsod.


Dagdag pa ng alkalde na nagtungo siya sa tanggapan ni Senador Zubiri para dalhin ang ilang request letters sa pagpapatayo ng Community Center.

Nagtungo naman siya sa tanggapan ni Senador Gatchalian para ipabatid ang pagpapaliban sa pagdaraos ng Cagayan Valley Regional Athletics Association (CAVRAA).

Nabatid na lahat ng staff ng senado ay nagboluntaryong magself-quarantine para matiyak ang kaligtasan ng iba pa.

Facebook Comments