Mayor Cayetano, muling nagpaalala sa mga residente nito na sundin ang mga health protocols sa pagdalo ng Simbang Gabi

Muling pinaalala ni Taguig Mayor Lino Cayetano sa mga residente nitong dumadalo ng Simbang Gabi ang kahalagahan ng pagsunod ng health protocols laban sa COVID-19.

Aniya, naiintindihan niya kung gaano kahalaga ang simbang gabi para sa mga Katoliko.

Pero huwag sana aniya ito maging dahilan upang mas lalong kumalat pa ang virus.


Pwede naman aniya pagsabayin ang pananampalataya at pagiging responsable at disiplinadong mamamayan ng lungsod.

Kaya aniya bago lumabas ng bahay magsuot na ng face mask at faceshield at kapag nasa simbahan na, sundin ang 1-meter social distancing.

Hinikayat naman ang mga Katoliko ng lungsod na samantalihin ang mga virtual mass ng mga simbahan dahil mas mainam aniya ito upang maging ligtas laban sa banta ng COVID-19.

Ngayong araw ang una araw ng Simbang Gabi bilang hudyat ng mga Katoliko sa pagdiwang ng Pasko.

Facebook Comments