Muling nagpaalala si Taguig City Mayor Lino Cayetano sa mga residente nito na ugaliing magsuot ng face mask at faceshield kung lalabas ng bahay.
Ayon kay Cayetano, hindi nila mapipigilan ang paglabas ng mga tao lalo na ngayong holiday season, pero aniya, may magagawa ang publiko upang di na kumalat ang COVID-19 at mahawaan pa nito.
Babala niya sa mga residente na maaari silang mag multa ng hindi lalagpas ng P5,000 at magsagawa ng community service para sa mga lalabag nito.
Dapat aniyang hindi maging kampante ang mga residente ng lungsod, lalo na ngayong na, mayroon namang 50 bagong kaso ng COVID-19 ang lungsod at tumaas din ang bilang ng active cases, mula 66 noong Linggo pero ngayong araw nasa 69 na ito.
Matatandaan na kahapon, nag banta rin ang alkalde na maaari itong magpatupad ng localized lockdown sa lungsod sa susunod na mga araw kung patuloy ang pagdami ng lumalabag sa mga health protocol laban sa COVID-19 at community quarantine guidelines.