MAYOR DECENA, IGINIIT ANG TRANSPARENCY SA PONDO NG MGA INFRASTRUCTURE PROJECTS

Cauayan City – Matapang na iginiit ni Mayor Miguel B. Decena, Jr. ang karapatan ng bayan ng Enrile sa transparency at accountability matapos niyang personal na puntahan ang DPWH District 3 Office noong Setyembre 26, 2025 upang sundan ang kanyang matagal nang kahilingan para sa mga dokumento kaugnay ng mga infrastructure projects sa bayan.

Giit ni Mayor Decena, hindi sapat ang mga ulat na naglalaman lamang ng project titles, halaga, at completion rate.

Aniya, kailangan ng program of work, project plans, at geographically tagged descriptions upang matiyak kung saan talaga napupunta ang pondo ng bayan.

Maging ang Municipal Accounting Office at Municipal Engineering Office ay nagpaliwanag na kritikal ang mga dokumento.

Samantala, sinabi ni District Engineer Esmeralda de Guzman na kailangan pa ng clearance mula sa DPWH Regional Office 2, subalit tinutulan ito ng LGU dahil ang mga dokumentong hinihingi ay public records na dapat direktang nailalabas.

Gayunpaman, nangako si De Guzman na magsusumite ng dokumento para sa mga flood control projects sa darating na Miyerkules at iba pang proyekto bago matapos ang linggo.

Nanindigan si Mayor Decena na hindi siya titigil hanggang hindi malinaw sa bawat Enrileño kung paano ginagamit ang kaban ng bayan.

Facebook Comments