Baguio, Philippines – Nanawagan si Baguio City Mayor Mauricio Domogan sa Department of Environment and Natural Resources o DENR na suriing mabuti ang mga lupang maaring gamitin bilang solid waste disposal facility bago ito ipamigay sa mga kwalipikadong mga aplikante.
Ayon kasi kay Mayor Domogan ay ang problema daw ay karamihan sa mga lupang maaring gamitin bilang disposal facility ay naipamigay na sa mga indibidwal kaya naman sa ngayon ay wala ng lupang maaring ma convert bilang disposal site.
Dagdag pa niya ay karamihan ng mga Lokal na gobyerno sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay nahihirapan rin maghanap ng mga lupa na maaring gawing disposal site para masaayos ang problema sa basura.
Facebook Comments