Mayor Duterte Bumisita Sa Kampo Ng Milf At Sa Cotabato City

8

COTABATO – Muling binisita ni Davao City Mayor at Presidential Candidate Mayor Rodrigo Duterte ang lungsod ng Cotabato City noong Sabado, February 27 para sa kanyang kampanya.Sakanyang pagdating ay nakipagpulong muna ito sa mga lider ng Moro Islamic Liberation front sa Camp Darapanan at iba pang miyembro ng MILF Central Committee.Pagsapit ng hapon ay nagtungo naman ito sa Cotabato City plaza at hinarap ang napakaraming taong naghihintay sa kanya upang siya’y makita at mapakinggan ang kanyang mga mensahe. Kasama rin ni Mayor Duterte sa kanyang kampanya ang mga kasamahang tumatakbong senador tulad nina dating Quezon City Rep. Dante Libanan at dating DILG Sec. Ragaeo Alunan.Minsan na ring nangako si Duterte na sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan ay mapapatigil niya ang kaso ng droga, krimen at korapsyon sa bansa kung sakaling siya ang mananalo bilang pangulo ng Pilipinas.

Facebook Comments