Tiniyak ni Manila Mayor Elect Isko Moreno na mag-iikot siya sa madaling araw, sa mga Police Station sa buong himpilan upang tiyakin kung gising nga ang mga pulis upang magbigay ng seguridad sa mga Manilenyo.
Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Kapihan sa Manila Bay posibleng gagawin uli niya ang kanyang ginagawa noon pang Vice Mayor pa siya sa Maynila na mag iikot sa mga Station ng Pulisya sa Maynila upang tiyaking laging handa ang MPD para bigyang seguridad ang mga residente sa Maynila.
Paliwanag ng alkalde na mataas ang expectation ng mga Manilenyo sa kanya kaya’t nararapat lamang na suklian niya ito ng tunay na pagbibigay serbisyo sa mga Manilenyo.
Naniniwala si Moreno na kailangang magkaisa na ang bawat opisyal ng kanyang Administrasyon at isantabi muna ang mga pansariling interes upang umunlad ang Lungsod ng Maynila.
Tututukan din nito ang usapin sa trapiko dahil napakahalaga na magkaroon ng Integration sa lahat ng Ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa usapin sa trapiko upang magkaroon ng kaluwagan sa mga sasakyan sa Maynila para mapabilis ang paghahatid ng mga kalakalan.