Inilahad ng alkalde ng Dagupan City na si Mayor Belen T. Fernandez ang kanyang mensahe, accomplished reports sa nagdaang unang taon ng kanyang kasalukuyang administrasyon maging ang mga inihahandang mga programa at proyekto na bebenipisyo sa mga Dagupeño.
Dinaluhan ito ng mga kawani ng lokal na pamahalaan mula sa iba’t-ibang departamento, mula sa Sangguniang Panlungsod, mga Non-Government Agencies, mga Civilian Volunteer Organizations, hanay ng Kapulisan, mga R1AA representatives, Manlingkor ya Kalangweran Officials at iba pang mga naimbitang bisita at organisasyon.
Ibinahagi ng alkalde ang kanyang mga nagawang mga programa sa loob ng kanyang unang taong pamumuno sa lungsod ng Dagupan tulad ng kapakanang pangkalusugan ng mga Dagupeño kung saan libo libo na ang napamahagian at naka avail ng ibinibigay ng mga libreng serbisyong medikal na mas higit pang isinusulong ngayon sa pamamagitan ng pag-arangkada ng mga kaliwa’t kanang medical mission na may layong mapunan ang pangangailangan lalo na ang mga indigent Dagupenos, mapabata man o matanda sa larangan ng kalusugan.
Nagkaroon na rin ng mga Flood Mitigation Projects at kasalukuyan ang iba ay nagpapatuloy sa konstruksyon nito. Hinahanda na rin ang mga imprastrakturang proyekto tulad ng mga multi-purpose halls at mga school buildings.
Natalakay din ang plano sa ilalim ng inihahandang 2024 budget tulad ng mga proyektong Riverbank Protection, Satellite Emergency, Evacuation Centers, Solar Lighting at iba pa.
Samantala, ani ng alkalde na patuloy ang kanyang ginagawang mga pakikipag-ugnayan sa iba pang agencies at maaaring maging katuwang upang mapondohan at upang maging kaagapay sa pagsasakatuparan ng mga proyektong laan sa ikauunlad ng Dagupan City.
Dumalo naman sa SOCA si 4th District Representative Congressman Christopher De Venecia upang magpahayag din ng kanyang suporta bilang isa ang kanyang tanggapan sa mga katuwang ng lokal na pamahalaan ng Dagupan upang magkaroon ng mga proyekto sa lungsod. |ifmnews
Facebook Comments