Mayor Francis "Kiko" Dy ng Echague Isabela, Pangarap Mahigitan si Governor Faustino “Bojie” Dy!

Cauayan City, Isabela – Pangarap ni Echague Mayor Francis “Kiko” Dy na mahigitan sa pagseserbisyo si Governor Faustino “Bojie” Dy III na kanyang ama.

Ito ang naging mensahe ni Mayor “Kiko” Dy matapos ginawaran kahapon ng Isabela State University System si Governor Faustino “Bojie” Dy bilang Doctor of Public Administration, Honoris Cauasa.

Ayon kay Mayor “Kiko” Dy ay nakakataba umano ng puso na makitang tumanggap ng parangal at kasama sa entablado ang kanyang ama.


Aniya magsislbing inspirasyon ang kanyang ama upang mas pagbubutihin at hihigitan ang kaniyang dedikasyon na magsilbi sa taong bayan ng Echague.

Gagawin niya umano ang lahat upang masunod ang daan ng kanilang mga ninuno na makapagbigay ng serbisyo sa buong Isabela.

Facebook Comments