Nagpaabot ng pasasalamat si San Juan City Mayor Francis Zamora sa nasyonal na pamahalaan matapos kilalanin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang COVID-19 vaccination drive ng lungsod.
Matatandaan kahapon, nabanggit ni Pangulong Duterte sa State of the Nation Address o SONA nito ang lungsod ng San Juan dahila sa mabilis na takbo ng pagbibigay ng bakuna ng lungsod laban sa COVID-19.
Ayon kay Mayor Zamora, isa itong mahalagang bagay at magbibigay inspirasyon sa mga residente ng lungsod, lalong-lalo na sa mga medical at non-medical frontliners, at volunteers sa kanilang vaccination program.
Dahil dito aniya, mas bibilisan ng pamahalaang lunsod na makamit ang 70% na mabakunahan laban sa COVID-19 na mga residente nito sa katapusan ng Agosto at mahigitan pa ang 100% target population na kwalipikado ng COVID-19 vaccine.