Iginiit ni San Juan City Mayor Francisco Zamora na imposibleng magkaroon ng bentahan ng COVID-19 vaccine at slot sa lungsod.
Aniya, mahigpit na naipapatupad ang mga protocol sa pagbabakuna laban sa COVID-19 sa lungsod kung saan alinsunod ito sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH).
Paliwanag niya, hindi makakapasok sa vaccination site ng lungsod ang walang confirmation text message dahil bawal ang walk-in sa lungsod.
Dagdag pa niya, may mga gatekeeper ang kanilang vaccination site na nagche-check sa mga dokumento, text message, at pag-verify kung nakapag-online register ba ang isang individual na magpapabakuna.
Sa ngayon aniya, nagpapatuloy ang ang kanilang imbestigasyon ukol dito pero hanggang sa ngayon ay hindi pa sila nakakakuha ng matibay na ebidensya na magpapatunay na may bentahan ng bakuna at slot na nangyayari sa lungsod.
Bagama’t anya nakipag-usap na siya kay Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar ukol dito, hiniyakat pa rin nito ang mga residente ng lungsod na isumbong o i-report sa kinauukulan kung sakaling mayroong magbenta ng bakuna at slot sa pila ng bakunahan sa kanila.