Mayor Fresnedi, pupulungin ang mga transport group at kumpanya sa lungsod kaugnay sa pagpatupad ng protocols kontra COVID-19

Inihayag ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi na nakatakdang niyang pulungin sa mga darating na araw ang mga operator at driver ng pampublikong sasakyan at mga pribadong kumpanya sa lungsod.

Ayon kay Mayor Fresnedi, layunin nito na maiparating sa mga operator at driver ng mga pampublikong sasakyan na mahigpit na ipatupad ang health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Dahil halos karamihan sa mga taga-Muntinupa ay nagbalik-trabaho na at bukas na rin ang ilang pribadong kumpanya sa lungsod, nais ng alkalde na maging katuwang din ang mga ito sa pagpapatupad ng mga panuntunan pangkalusugan laban sa COVID-19.


Batay kasi sa datos ng health department ng lungsod, tumaas kasi ang bilang nang nahahawa ng COVID-19 sa lungsod at karamihan sa mga nagdadala ng virus ay yung mga nagtatrabaho o pumapasok sa opisina.

Sa kanilang tala, noong February 7, meron lang 78 active cases ng COVID-19 ang lungsod pero nitong March 7, nakapagtala sila ng 129 active cases mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod.

Facebook Comments