Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni QC Mayor Herbert Bautista ang mga naging dating QCPD director na sina Police Director Joel Pagdilao at Edgardo Tinio na sinibak sa puwesto ni President Rodrigo Duterte.
Sina Pagdilao at Tinio ay nauna nang tinukoy ni Duterte noong Hulyo 2016 bilang mga Narco Generals.
Hindi Naniniwala si Bautista na nagpabaya ang dalawa sa paglaganap ng illegal na droga sa panahon ng pamumuno nila sa QCPD.
Aniya, masyadong napagtuunan lamang ng pansin ang Quezon City gayong hindi naman nagkakalayo ang sitwasyon ng problema sa droga sa lungsod ng Maynila, Calookan at Cebu City.
Idinagdag ni Bautista na sina Pagdilao at Tinio ay biktima ng tinawag niyang panloob na laro ng pulitika sa PNP.
Sinabi pa ng punong lungsod na kung totoong sangkot ang dalawa sa droga ay marapat na sampahan sila ng kasong kriminal.