Bnalaan ni Manila Mayor Honey Lacuna – Pangan ang ilang indibidwal na gagamit ng kaniyang pangalan para sa mga iligal na gawain.
Ayon kay Mayor Honey, hindi niya gustong malaman na may gagamit ng kaniyang pangalan para mangulekta ng pera lalo na sa mga vendors.
Aniya, tututukan at pananagutin niya sa batas ang sinumang indibdwal na gagawa nito kahit sino pa ang masagasaan.
Nakarating kasi sa kaalaman ng alkalde na nagiging kalakaran na ng mga pasaway ang mangikil ng pera sa ilang mga vendors sa ilang bahagi ng lungsod kung saan ginagamit ang pangalan ng nakaupong opisyal ng lokal na pamahalaan.
Muling iginiit ni Mayor Honey na nararapat lamang na ang kada isang vendor ay magbayad ng kanilang monthly due sa tanggapan ng Manila Local Government Unit (LGU) at dito ay bibigyan sila ng resibo.
Ito ang magiging katibayan nila na sila nakapagbayad na at hindi na kailangan pa magbigay sa sinumang naninigil sa kanilang pwesto.
Kaugnay niyan, hinihimok ng mga otoridad ang mga vendors na isumbong sa kanila kung mayroon mga indibidwal o grupo na gagawa nito.