Manila, Philippines – Makikiusap umano si Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa Department of Transportation (DOTr) upang mabigyan ng exemption ang Davao City kaugnay sa ipapatupad na jeepney modernization sa boung bansa.
Ayon sa alkalde, hindi na kailangan ang jeepney modernization program dahil magpapatupad na ang davao ng high priority bus system sa 2019, bilang isa sa mga mode of mass transport system.
Bukod dito, inaasahan na rin nila ang Mindanao Railway System, lalong-lalo na ang Metro Davao Rail ng magkokonekta sa Digos City, Davao Del Sur papasok ng Davao City, hanggang sa Tagum City, Davao Del Norte.
Ipinangako ng pamahalaang lungsod na hindi mapi-phase out ang mga jeepney at tricycle sa ilalim ng high priority bus system, dahil sila ay ilalagay sa mga daan na hindi papasukin ng mga bus.
Mayor Inday Sara Duterte, makiki-usap sa DOTr para mabigyan ng exemption ang Davao City sa ipapatupad na jeepney modernization
Facebook Comments