Inihayag ni Bro. Mike Velarde, lider ng religious group na El Shaddai, na malayang pumili ang kanyang mga kasapi ng kanilang ibobotong pangulo sa halalan 2022.
“The choice is yours, not mine. I heed my personal choice,” ani ni Velarde matapos ang pagdalo ng tandem nina Mayor Isko Moreno Domagoso at Doc Willie Ong sa isang worship service na idinaos sa Parañaque City nitong sabado.
Giit ni Velarde, may kakayahan anya ang kanyang mga taga sunod na iboto ang dindikikta ng kanilang konsensya, base na rin sa pagsisiyasat sa track record at plataporma ng mga kandidato.
Ayon pa kay Velarde, asahan na rin daw ng kanilang mga miyembro ang iba pang mga kandidato na dadalo sa kanilang pagpupulong sa mga susunod na linggo.
“’Wag kayong magtataka na tuwing Sabado, mayroon tayong mga panauhing kandidato. Welcome natin silang lahat na dumalo sa ating gawain. I am presenting them to you, examine their hearts for the scripture says: ‘Out of the heart, the mouth is fixed.’ Kung ano laman ng dibdib ay siyang bukambibig,” ani Velarde.
“So, always remember this, the choice is always yours, not mine,” Giit nito.
Pinasalamatan naman ni Aksyon Demokratiko standard bearer Isko Moreno ang mga naging pahayag ni Velarde, anya’y nagbigay ito ng pag-asa sa kanya.
“Kung papalarin ako, ipararamdam ko sa inyo ang pagkakapantay-pantay ng tao. Mapa-Mindanao, Visayas at Luzon o sa ibang bansa, bawat Pilipino pantay-pantay sa serbisyo, programa at polisiya ng gobyerno,” Ani Moreno.
Ipinahayag rin ni Moreno ang kanyang pagnanais na masolusyunan ang mga problema ng bansa tulad ng kahirapan, kawalan ng trabaho, inequality, at social injustice, sa paglalaan ng nararapat na pondo para matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng publiko. Ayon pa kay Moreno, mahalaga din anya na maprotektahan ang buhay ng mga Pilipino at maiangat ang kabuhayan nito sa gitna ng nagpapatuloy ng Covid-19 pandemic.
Kumpyansa rin si Moreno na marami pa ang magnanais na sumuporta sa kanyang kandidatura dahil marami pa anya ang mga pwedeng mangyari.
“Marami pa ang mangyayari kasi makikita mo naman eh maraming areas yung silent majority talagang lumalabas tapos napapansin mo rin lately maraming nag-switch to Isko. So, Doc Willie and I are hoping na talagang tuloy-tuloy na lumiliwanag ang isipan ng ating mga kababayan. But then again kami ni Doc Willie magtiya-tiyaga na umikot, umikot ng umikot, makaharap, makasalamuha, makausap ang tao. Derecho sa tao,” Ani Moreno.
Pinasalamatan din ni Vice Presidential Candidate Doc Willie si Velarde sa mga naging pahayag nito, nagpapasalamat din siya sa pagsuporta nito sa kanya sa pagka senador noong 2019 Elections.
“Maraming, maraming salamat po Brother Mike Velarde, thank you so much. Naalala ko pa nung 2019 na pinili tayo ni Brother Mike Velarde nung tumatakbo tayong senador. Sa lahat ng religious organizations si Brother Mike Velarde lang ang pumili sa akin, thank you so much,” Sabi ni Ong.
“Hindi ko makakalimutan yung panahon na yun kasi wala tayong pondo, umiikot na lang ako sa mga simbahan ng El Shaddai, yun ang pinaka-sortie ko. Alam nyo po na touch ako sa sinabi ni Brother Mike na tungkol sa utang na loob. Ang El Shaddai tumutulong sa maraming politiko pero pagdating ng eleksyon anim na taon kayong kinakalimutan, parang walang utang na loob. Kailangan pumili tayo ng may utang na loob,” Paliwanag ni Ong.