Lumulutang ang mga pangalan nina Manila Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao bilang mga maimpluwesyang political personalities na may posibilidad sa pagtakbo ssa pagkapangulo o bise presidente sa 2022 elections.
Batay sa Social Media Political Influence Report ng WR Numero Research na sinusukat ang high engagement at positive sentiments sa social media, si Mayor Isko ay nakakuha ng +39%, habang si Pacquiao naman ay may +37%.
Ang dalawa ay mayroong aktibong personal Facebook pages at regular na napapag-usapan sa mainstream at alternative media.
Kulelat naman si dating senator Antonio Trillanes na may overall influence share na -6.69% dahil sa negatibong sentimiyentong natatanggap niya mula sa online public.
Si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay nakakuha ng +0.05% influence share habang si Vice President Leni Robredo ay nakakuha ng -0:53% influence share.
Si Senator Bong Go naman ay nakakuha ng negative influence share na -2.58%.
Paglilinaw ng WRN Research na ang kanilang report ay hindi survey pero ito ay data analytics kung saan sinusukat ang public opinion gamit ang sentiment analysis at natural language processing methods.