Nanguna sina Senador Manny Pacquiao at Manila Mayor Francisco Domagoso sa listahan ng pinapaborang senatorial bet para sa 2022 elections.
Batay sa survey ng Pulse Asia noong Hunyo 7 hanggang 16, si Pacquiao ay nbakakuha ng 54% habang 53.7% ang kay Moreno.
Sinundan ito nina Davao City Mayor Sara Duterte (47.7%); broadcaster Raffy Tulfo (46.4%); Taguig City-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano (46%); at Sorsogon Gov. Francis Escudero (45.6%).
Pasok din sa survey sina dating Senador Bongbong Marcos (39.7%); Antique Rep. Loren Legarda (38.8%) at Senador Panfilo Lacson sa 35.7%.
Ang iba pang pinaboran sa senatorial race ay ang TV personality na si Willie Revillame (34.8%); dating Senador Jinggoy Estrada (33.3%); Senador Juan Miguel Zubiri (30.6%) at dating Vice President Jejomar Binay (30.5%).