Mayor Isko, handang tulungan ang returning OFWs mula Ukraine

Handang tumulong si Aksyon Demokratiko standard bearer, Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na uuwi ng bansa dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Sa kanyang campaign sortie sa General Trias City, Cavite nitong Biyernes, ipinahayag ni Moreno na handa siyang magbigay ng asistensya sa mga returning OFWs na taga Maynila, at maari rin daw niyang mabigyan ng personal na tulong ang hindi residente ng lungsod.

“Ang importante lang naman dyan eh yung mabuhay sila. Yung buhay, buo, kasama nila ulit yung pamilya nila. Sama-sama silang magsikap ulit tapos may gobyerno silang masasandalan. ‘Yon sa tingin ko maitatawid na natin ang taumbayan,” Ani Moreno.


Sa pinakahuling tala ng Department of Foreign Affairs (DFA) mayroong 300 Filipinos sa Ukraine na karamihan ay nagtatrabaho bilang domestic helpers sa capital city na Kyiv. Ayon sa DFA, mas pinili umano ng mga OFW na manatili sa Ukraine upang patuloy na makapagtrabaho para tugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya sa Pilipinas.

Ayon naman kay Moreno, handang tumulong ang Maynila sa mga OFW sa Ukraine na mawawalan ng trabaho. “Pwede nila kaming lapitan at maaasahan nila kami na baka makatulong kami sa kanila.”

Inilahad rin ni Moreno na kung siya’y papalarin na mahalal bilang pangulo, kaligtasan ng mga Pinoy ang kanyang ipaprayoridad kapag may sigalot sa pagitan ng mga bansa.

“Unang-unang policy is iligtas ko yung mga Pilipino doon. Mamamayan muna before anything else. Masigurado ko na yung mahal nila sa buhay dito sa Pilipinas, na yung kanilang mga kaanak sa Ukraine ay makuha ng ligtas, buo, malusog sa lalong madaling panahon. Yun ang gagawin ko, to save as many Filipinos as possible and that is my job as president. Yun ang unang-una, first of everything. Buhay muna ng mga Filipino na OFW sa abroad ang mahalaga sa akin,” Saad ni Moreno.

Nagpahayag naman ng Suporta si Moreno sa mga OFWs na piliniling manatili sa Ukraine, anya kailangang unawain ang kagustuhan nitong maghanap buhay para sa kanilang pamilya.

“Well, kung sa tingin nila eh ligtas sila, hindi natin sila masisisi na patuloy na makipagsapalaran sa ibang bansa as long as ligtas sila. Sana mapahalagahan nila yung buhay. Pero in the same manner, kailangan unawain din natin yung mga OFW na kaya sila nandon at lumayo, at masakit man sa damdamin nila na malayo sa mga mahal nila sa buhay dito sa bansa eh kailangan nilang maghanap-buhay.”

“If they feel they are safe and always connect at makipag-ugnayan sa ating mga embahada, konsulado, then they can stay. But if they’re going to get my opinion over the situation mas papahalagahan ko ang buhay nila dahil baka mabigyan naman natin sila ng opportunity naman dito sa ating bansa.” Dagdag nito.

Facebook Comments