Inirekomenda ni Manila Mayor Isko Moreno sa DILG ang pagsuspinde sa Barangay officials sa Baseco sa Tondo, Maynila.
Ito ay dahil sa kabiguan ng naturang barangay officials na makipagtulungan sa mga kampanya ng Manila City Government.
Partikular dito ang kawalan ng kooperasyon ng Baseco Barangay Officials sa mga ilegal na aktibidad sa kanilang nasasakupan tulad ng ilegal na droga at mga patayan.
Ang Baseco ay isa sa mga mahihirap na lugar sa Maynila.
Sa panig naman ni DILG Usec. Epimaco Densing, tiniyak nito na kanilang sasampahan ng kasong administratibo o di kaya’y kriminal ang mga pabayang barangay officials ng Baseco oras na makakuha sila ng mga ebidensya.
Ayon kay Densing, maituturing na potential ground para sa administrative charges at malfeasance ang hindi pakikipagtulungan ng barangay officials sa operasyon ng mga pulis.