Mayor Isko Moreno, aminadong alarming na ang COVID-19 cases sa Maynila

Aminado si Manila Mayor Isko Moreno na alarming na ang COVID-19 situation sa Maynila.

Ito ay matapos na muling makapagtala ang Maynila ng 196 positive cases sa loob lamang ng isang araw.

Sinabi pa ng alkalde na sa ngayon ay 36% na ng bed capacity ng 6 na ospital na pinatatakbo ng pamahalaang lungsod ang nagamit.


Habang ang quarantine facilities aniya ay 61% na ang okupado.

Sinabi ni Moreno, sa 371 na bed capacity sa isolation facilities, 225 rito ang okupado ngayon.

Muli namang nanawagan si Moreno sa mga residente ng lungsod na isuot ng tama ang face mask at pairalin ang social distancing.

Patuloy naman ang libreng RT-PCR testing sa Maynila.

Facebook Comments