Mayor Isko Moreno, magpapatayo ng hate-freedom wall sa Bonifacio Shrine

Manila, Philippines – Magpapatayo ng isang hate-freedom wall si Manila City Mayor Isko Moreno sa Bonifacio Monument.

Ito ay matapos na bumalik si Moreno sa monumento ni Bonifacio para muling inspeksiyunin ang paligid.

Sa kanyang pag-iinspeksiyon, agad na nakita ng alkalde ang mga vandalized walls at iba pang istraktura sa nasabing lugar.


Ayon kay Moreno, walang nakukuhang kasiyahan at walang magandang naidudulot ang pagva-vandalized sa mga pader lalo na sa kilalang rebulto sa kanilang lungsod.

Dahil dito nagdesisyon si Moreno na patatayuan niya ng hiwalay na pader ang Bonifacio Shrine kung saan malayang maihahayag ng sinuman ang kanilang saloobin o hinanaing sa iba’t-ibang mga bagay.

 

Facebook Comments