Manila, Philippines – Tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno na tutugunan ang problema ng traffic sa lungsod.
Nakiusap ang alkalde sa mga truck operator at driver na iwasang pumarada at humambalang sa mga kalsada.
Pero nagbabala si Mayor Isko na gagawing scrap ang mga truck na paparada sa mga abalang kalsada ng lungsod, na lalong nagpapabigat ng trapiko.
Depensa naman ni Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP) Chairperson Ruperto Bayocot – talagang pumaparada ang mga truck lalo na kung hinihintay nila ang kanilang shipment na dumating sa pantalan.
Magkakaroon ng dayalogo ang Bureau of Customs (BOC), city officials at CTAP para ayusin ang isyu.
Facebook Comments