Mayor Isko Moreno, muling binisita ang provincial capitol ng Cebu

Muling binisita ni Mayor Francisco “Isko” Moreno ang provincial capitol ng Cebu.

Dito ay nagkaroon siya muli ng pagkakataon na maka-ugnayan si Cebu Gov. Gwen Garcia at ilang opisyal ng pamahalaang panlalawigan.

Matapos nito ay nakipagkita naman si Mayor Isko sa mga residente ng Lapu-lapu City kung saan inihayag ng alkalde ang lahat ng plano nito kung sakaling palarin sa halalan at magagawa niya raw ito kung makukuha niya ang suporta ng mga Cebuano.


Bukod dito, inihayag rin ni Mayor Isko na nais niyang maisama si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang senatorial slate kung papayag ito.

Aniya, kung siya ang tatanungin, iboboto niya mismo si Pangulong Duterte sa pagkasenador sa susunod na halalan.

Iginiit ni Mayor Isko na hindi matatawaran ang mga nagawa ni Pangulong Duterte sa bawat Pilipino kung saan isa rito ang pagtutok ng kaniyang administrasyon sa Build, build, build program.

Naniniwala rin ang alkalde na sapat at magiging epektibo si Pangulong Duterte kung mananalo ito bilang senador ng bansa.

Facebook Comments