Mayor Isko Moreno, muling nag-inspeksyon sa booster shot drive-thru sa Luneta

Matapos sumalang sa isang presidential interview, personal na tinungo at ininspeksyon ni Mayor Isko Moreno ang ikinakasang booster shot drive thru sa Quirino Grandstand sa Luneta.

Nais kasi ng alkalde na masiguro na maayos ang sistema ng pagbabakuna ng booster shot sa mga residente at hindi residente ng lungsod habang nasa kanilang sasakyan.

Bagama’t may kabagalan, humihingi ng pang-unawa ang alkalde pero sinisiguro niya na mababakunahan naman ang lahat.


Bukod dito, kaniyang hinihimok ang mga nais magpaturok ng booster na magtungo lamang sa mga itinayo nilang drive thru vaccination sites sa Kartilya ng Katipunan para sa mga two-wheels at Bagong Ospital ng Maynila para naman sa mga PUV drivers.

Dagdag pa ni Mayor Isko, maaari rin magtungo sa apat na mall para magpaturok ng booster maging sa anim na paaralan na ginawang vacciantion sites na may tig-500 doses ng bakuna.

Muling paalala ni Mayor Isko na samantalahin na ang pagkakataon habang may sapat pang suplay ng bakuna ang lokal na pamahalaan ng Maynila.

Facebook Comments