Mayor Isko Moreno, nag-abiso na sa konseho ng Maynila hinggil sa kanyang kahandaang tumanggap ng Sinovac vaccine

185

Pinulong ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang Manila City Council (MCC) para ipaalam sa konseho na handa na siyang tumanggap ng Sinovac vaccine ng China.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Food and Drug Administration (FDA) na binigyan na nito ng Emergency Use Authorization (EUA) ang Sinovac ng Beijing-based biopharmaceutical company


Ayon sa alkalde, kahit anong brand ng bakuna ang available, handa siyang magpaturok basta’t may emergency approval ng FDA.

Sa kabilang dako, inihayag ni Moreno na may karapatan ang mga residente ng Maynila na pumili kung anong brand ng bakuna ang nais nila.

Facebook Comments