Binalaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga driver ng tri-wheeled public transport vehicles sa Maynila na naniningil ng sobra-sobra sa mga pasahero.
Partikular ang pedicabs, tricycles at e-trikes na naniningil ng 80-100 pesos sa bawat pasahero.
Ayon kay Moreno, ang usapan nila ng mga driver ng tri-wheeled public transport vehicles ay bente lamang ang singil sa bawat pasahero
Nagbabala si Moreno na posibleng hindi na payagang makapamasada ang naturang mga driver kapag ipinagpatuloy nila ang pag -overcharge sa pamasahe
Sa ngayon, 19,000 tri-wheeled public transport drivers ang pumapasada sa buong Maynila sa harap ng umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ)
Facebook Comments