Mayor Isko Moreno, nagbabala sa mga naniningil ng sobra-sobra sa tri-wheeled public transport vehicles sa Maynila

Binalaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga driver ng tri-wheeled public transport vehicles sa Maynila na naniningil ng sobra-sobra sa mga pasahero.

Partikular ang pedicabs, tricycles at e-trikes na naniningil ng 80-100 pesos sa bawat pasahero.

Ayon kay Moreno, ang usapan nila ng mga driver ng tri-wheeled public transport vehicles ay bente lamang ang singil sa bawat pasahero


Nagbabala si Moreno na posibleng hindi na payagang makapamasada ang naturang mga driver kapag ipinagpatuloy nila ang pag -overcharge sa pamasahe

Sa ngayon, 19,000 tri-wheeled public transport drivers ang pumapasada sa buong Maynila sa harap ng umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ)

Facebook Comments