
Taos-pusong nagpasalamat ang Philippine National Police (PNP) sa naging anunsyo ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno patungkol sa pagbibigay ng assistance sa mga kapulisan sa Manila Police District.
Ang nasabing tulong ay sumasaklaw sa mga buwan ng Hulyo hanggang Setyembre 2024 at nakalaan sa operational expenses na may layon na mas mapanatili ang peace and order sa nasabing lungsod.
Ayon kay Acting Chief PNP PltGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang nasabing suporta mula sa alkalde ay isang simbolo ng matatag na pagtutulungan ng PNP at ng lungsod ng Maynila.
Samantala ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Randulf T. Tuaño, naayon ang isinagawang suporta ng Alkalde sa PNP Focus Agenda sa ilalim ng Morale and Welfare ng mga PNP Personnel.
Dagdag pa niya, nagbigay ng inspirasyon sa mga kapulisan ang ginawang suporta ng alkalde para lalong maglingkod sa bayan.









