Mayor Isko Moreno, nagpadala na ng tulong sa mga nasalantang residente sa Southern Leyte

Nagpaabot na ng tulong ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga bayan ng Sogod at Maasin sa Southern Leyte alinsunod sa panawagan ni Mayor Francisco “Isko” Moreno.

Kaugnay niyan, nagpadala ang Maynila ng food boxes mula sa mga Manileñong piniling ibalik ang kanilang natanggap na Christmas food packs para higit na mapakinabangan ng mga pamilyang naapektuhan ng hagupit ni Bagyong Odette.

Ayon kay Moreno, lubos ang kaniyang pasasalamat sa mga Manileñong nagpaabot ng tulong para sa ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao.


Ito ay personal na inihatid sa mga kinatawan ng bawat pamahalaang bayan sa mga nasabing lalawigan.

Bukod sa Christmas food boxes, nagbigay rin ng karagdagang 1,000 food packs at mga drinking water ang lokal na pamahalaan sa mga residente ng nabanggit na bayan sa Southern Leyte.

Facebook Comments