Kasabay ng paggunita ng People’s Power Revolution, sinabi ni Mayor Isko Moreno na dapat mapanagot sa batas ang mga taong nagkaroon ng kasalanan sa Pilipino noong panahon ng Martial Law.
Ayon kay Mayor Isko, bagama’t kailangan nang mamuhay sa panahon ngayon, hindi naman nangangahulugan na dapat nang hayaan na lamang ang mga ginawang pang-aabuso noong martial law.
Aniya, kung may kaso ang mga ito o akusasyon ay dapat itong habulin ng estado para mabigyan ng katarungan ang mga biktima.
Iginiit ng alkalde na karamihan sa ating mga kababayan ay umaasa pa rin na hanggang sa ngayon ay mapanagot pa ang mga may kasalanan sa kaliwa’t kanang pang-aabuso.
Una nang pinaalalahanan ni Moreno ang kabataan na huwag kalimutan ang aral ng EDSA Peope Power na ang kapangyarihan ng pangulo ay galing sa taumbayan at ito rin ang may kakayahan bumawi nito.