Nanguna si Manila Mayor Francisco Isko Moreno sa isinagawang survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) para sa 2022 presidential elections.
Isinagawa ng RPMD ang survey sa buong bansa mula October 17 hanggang October 26, 2021 kung saan tinanong ang 10,000 respondents kung sino ang kanilang iboboto sa eleksyon.
Bukod kay Moreno, kabilang sa mga pagpipilian ay sina dating Senator Bongbong Marcos, Vice President Leni Robredo, Senator Manny Pacquiao, Senator Panfilo Lacson, Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, at Ernesto Ernie Abella.
Sa naturang survey, nagtala ng 25.30 percent si Moreno; 23.10% si Bongbong Marcos; 18.31% si VP Leni; 17.88% si Pacquiao; 7.08% si Lacson; 3.41% si Dela Rosa; at 0.81% si Abella.
Naniniwala naman ang kampo ni Moreno na napahalagahan ng mga mamamayan ang campaign program ng alkalde.