Naniniwala si Mayor Isko Moreno, na ang pinaka-importanteng endorso ay manggagaling sa bawat pilipino pagsapit ng 2022 National Elections.
Ayon sa alkalde, hindi siya papipigil kahit pa ang kalaban niya sa kandidatura sa pagka-pangulo ay ini-endorso ng ibang organisasyon at ilang religious group.
Hindi rin daw siya nababahala dahil nararamdaman naman ng kanilang partido ang suporta ng taong bayan.
Itinuturing rin niya na silent majority ang taongbayan na siyang magde-desisyon kung sino ang iluluklok sa pwesto.
Kaugnay nito, ipinagpapasalamat ng buong partido ng Aksyon Demokratiko ang mga sumusuporta sa kanilang pag-iikot kung saan nagpapa-abot sila ng tulong tulad ng pagkain, tubig, religious item at sila na rin ang gumagastos sa pagmo-motorcade.
Sa huli, hahayaan na lamang ni Mayor Isko ang bawat pilipino na humusga sa darating na May 9, 2022 kung saan bukas siya sa anumang suporta na ipapabot sa kanilang partido.