Inihayag ni Mayor Isko Moreno na wala siyang planong buksan ang Bataan Nuclear Power Plant sakaling manalo sa darating na halalan.
Ayon may Mayor Isko na siyang pambato ng Aksyon Demokratiko sa pagka-pangulo, marami naman alternatibong paraan para makakuha ng sapat na suplay ng kuryente na pwedeng ipalit sa Bataan Nuclear Power Plant.
Ilan sa mga ito ay ang renewable gas, coal at iba pang teknolihiya na mas mababa ang epekto sa kapaligiran kung saan ito ang plano na ipaprayoridad ng alkalde.
Muling iginiit ni Mayor Isko na hindi na ligtas sa publiko ang nasabing power plant kaya’t dapat na manatili itong sarado.
Sinabi pa ng alkalde na maaari naman gayahin ang farming technology ng Netherlands kung saan naka-imbento sila ng pamamaraan ng pagtatanim na pwedeng maging source ng pagkukunan ng renewable energy.
Ang pahayag ni Mayor Isko ay kasunod ng pagbisita nito sa lalawigan ng Bataan kasabay na rin ng courtesy visit kay Bishop Ruperto Cruz Santos ng Diocese of Balanga.