
Nananatili pa rin nangunguna si Mayor Isko Moreno sa pinakabagong survey ng OCTA Research para sa halalan sa Maynila sa 2025.
Batay sa survey na isinagawa mula Marso 2-6, si Sam Versoza, na pumangalawa sa survey, ay may 16%, habang si Mayor Honey Lacuna, na nasa ikatlong pwesto, ay may 15%.
Pero kahit pagsamahin pa ang kanilang porsyento, hindi pa rin ito aabot sa 67% na nakuha ni Yorme
Sa kabila ng pagiging kasalukuyang alkalde ng Maynila, nahuhuli si Lacuna sa survey at may matinding hamon na harapin laban kay Yorme.
Ayon kay Prof. Ranjit Rye ng OCTA research, inaasahan na mangunguna sana sa survey ang kasalukuyang alkalde lalo na’t naglabasan ang maraming resources ng City Hall kasama ang pamamahagi ng AICS, TUPAD at iba pa.
Subalit hindi pa rin ito naging sapat at patuloy na nangunguna si Yorme Isko na patunany na nais siya ng bawat Manileño na mamuno sa lungsod.
Si Yorme Isko na kilala sa kanyang hands-on na pamumuno at mabilis na pagpapatupad ng mga proyekto sa imprastraktura at serbisyong panlipunan noong kanyang termino, ay nangakong ibabalik ang kalinisan, disiplina, at kaayusan sa Maynila.
Sa kanyang proclamation rally, hindi na pinansin ni Yorme ang mga batikos ng kanyang mga kalaban at sinabing kumpiyansa siyang patas na huhusgahan ng mga botante ng Maynila ang kaniyang mga nagawa.