Mayor Isko pinasalamatan si PRRD: “Isa po kayo sa naging inspirasyon ko”

476
Images from Manila Public Information Office and PCOO

Pinasalamatan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso si Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang purihin nito hinggil sa mga proyektong ipinatutupad para sa kaunlaran ng pinamumunuang siyudad.

Ayon sa alkalde, isa si Duterte sa naging inspirasyon niya kung ano mang klase ng liderato na mayroon siya ngayon.


Dagdag pa ni Moreno, inihalintulad niya ang kaniyang pamumuno sa pamamaraan ng pamalalakad noon ni PRRD bilang alkalde ng lungsod ng Davao ng mahigit ilang dekada.

Pag-amin ng batang lider, takot na takot siyang manigarilyo sa Davao dahil puwede siyang hulihin.

Paniniwala ni Moreno, “kung ano man ang nakikita nating pagpupursige ng mga alkalde sa buong Pilipinas ay repleksyon lamang ng klase ng liderato at Pangulo na meron tayo”.

Aniya, utang na loob nila ito sa Presidente dahil sa ibinibigay na patnubay at mabuting halimbawa sa lahat ng nanunungkulan.

Facebook Comments

From Advertisers