Natikim ng sermon ang SUV driver na nangaladkad ng traffic enforcer sa Sta. Cruz, Maynila nitong Sabado ng umaga.
Nakaharap ng salaring si Orlando Ricardo Dizon Jr. sina Mayor Isko Moreno at Adrian Lim, ang nasaktang enforcer, habang nakakulong sa Manila Police District (MPD) Station 3, Lunes ng madaling araw.
“Nagawa mong mag-kotse, hindi mo kayang magbayad ng penalty? Papaano kung napatay mo ‘yung traffic enforcer namin?…May pamilya rin ‘yun,” buwelta ng alkalde.
“Natatawa ako rito e. Naka-afford magka-kotse. Hindi kayang magbayad ng penalty, P500 lang ‘yun. Para sa P500 kaya niyang pumatay ng enforcer,” dagdag pa ni Moreno.
Ayon sa opisyal, may “criminal intent” ang pananakit ni Dizon kay Lim dahil kitang-kita sa CCTV footage ang pagwawasiwas nito sa enforcer.
“Naawa ako todits e. Alam mo ‘yung kapit niya. Hindi ‘yun para hulihin siya. ‘Yun ‘yung kapit para iligtas niya ang sarili njya.” saad ng alkalde.
(BASAHIN: Traffic enforcer, kinaladkad ng SUV driver)
Hindi din naniniwala si Moreno sa depensa ni Dizon na nataranta siya kaya nakaladkad ang enforcer.
Samantala, madagdagan ang kasong kinahaharap ng driver matapos magpositibo sa iligal na droga.
Malaki rin ang tsansang kanselahin ang lisensya ng nahuling suspek.