Mayor Isko, second choice kung sakaling ma-disqualify ang dating senador Bongbong Marcos na nanguna sa recent presidential survey

Unang inilabas ng Tangere ang resulta ng kanilang isinagawang presidential survey para sa taong 2022, na tumakbo mula January 3 hanggang January 8.

Ayon sa survey, nanalo si presidential candidate Bongbong Marcos (BBM) ng 60% ng mga boto, nangangahulugan, 6 sa bawat 10 Filipino ang boboto kay Marcos sa darating na halalan sa Mayo.

Samantalang sa parehong survey, 3 out 5 BBM voters ang pumili naman kay Manila Mayor Isko Moreno bilang second choice nila sa pagka-pangulo sakaling hindi matuloy sa halalan si Marcos, 63% ng BBM voters mula sa Mindanao, Southern Luzon at Bicol Region ang boboto kay Isko, mas mataas ito kumpara sa 45% noong nakaraang buwan.


Tumalon ng ilang puntos si Moreno para lampasan si VP Leni Robredo sa ikalawang puwesto apat na buwan bago ang Mayo.

Nangangahulugan kung sakaling ma-disqualify si BBM, tatlo sa limang botante ang mapupunta kay Mayor Isko, tumaas ito mula 16% hanggang 52% na botante, dalawa sa kada-limang botante naman ay paghahatian pa ng ibang kandidato kabilang sina Robredo, Lacson, Pacquiao at iba pa.

Ang mga poll number na ito ay mula sa sample size na 2,400 respondents at na-facilitate sa pagitan ng January 3 hanggang 8 ng taong ito.

Facebook Comments