Mayor Jay Diaz, Muling Nanawagan sa Publiko na Magpabakuna Kontra COVID-19

Cauayan City, Isabela- Muling hinikayat ni Ilagan City Mayor Jay Diaz ang mga kababayan na magpabakuna na kontra COVID-19.

Ayon sa alkalde, mayroon nang mga COVID-19 vaccines ang dumating sa kanilang Lungsod at ipinabatid na ito ay libre at walang bayad.

Isinasagawa ang pagbabakuna sa bawat barangay sa Lungsod mula Lunes hanggang araw ng Linggo kaya’t pinapayuhan ang mga Ilagueño na makipag-ugnayan sa barangay midwife o sa barangay officials upang mai-iskedyul ang pagpapabakuna.


Nagsimula na rin ang vaccination sa mga Kabataan na nasa edad 12 hanggang 17 na isinasagawa sa City of Ilagan Medical Center sa Lullutan.

Kaugnay nito, muling pinaalalahanan ni City Mayor Diaz ang publiko na sumunod pa rin sa minimum health protocols habang sumasailalim pa rin sa General Community Quarantine (GCQ) ang Lungsod.

Facebook Comments