MAYOR JAY DIAZ, MULING TATAKBO BILANG ALKALDE NG ILAGAN CITY

Cauayan City – Muling naghain ng kandidatura para pagka-alkalde ng City of Ilagan, Isabela ang kasalukuyang Mayor na si Hon. Jay Diaz.

Hindi mahulugang karayom ang naging sitwasyon sa Ilagan City Hall matapos dumagsa ang mga Ilagueños upang ipakita ang kanilang suporta kay Mayor Jay Diaz at sa buong Sulong Team.

Samantala, naghain din ng kandidatura para sa pagkabise mayor ang anak nitong si Jay Eveson Diaz na ngayon ay kasalukuyang isa sa mga City Councilors ng Ilagan City.


Maging si kasalukuyang Vice Mayor Kit Bello ay naghain din ng kanyang Certificate of Candidacy ngayong araw bilang Sangguniang Panlungsod.

Labis naman ang pasasalamat ng alkalde sa mainit na suporta na ipinakita ng mga Ilagueños sa kanyang kandidatura kasama ang kanyang mga kapartido.

Facebook Comments