Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto, naghain na ng COC para sa pagkandidato sa pagka-mayor at vice mayor ng Quezon City

Muling naghain ng kaniyang kandidatura sa pagkapunong lungsod ng Quezon City si Mayor Joy Belmonte.

Kasabay niyang naghain ng Certificate of Candidacy ang kanyang kasalukuyang vice mayor at anak ni Senate President Tito Sotto na si Gian Sotto na muling nagpapahalal sa pagkabise alkalde.

Ayon kay Belmonte, tumatakbo siya sa pagka-mayor sa ilalim ng lokal na partido na Serbisyo sa Bayan Party o SBP.


Ito na ang ikalawang pagsabak ni Mayor Joy sa pagka-alkalde ng lungsod kung saan tinalo niya noong 2016 si dating Congressman Bingbong Crisologo.

Makakatunggali naman ni Belmonte si AnaKalusugan Partylist Cong. Mike Defensor na naghain na rin ng kanyang kandidatura.

Facebook Comments