
Ipinahayag ni Mayor Joy Belmonte na hindi lamang usapin ng compliance ang isinasagawang clearing operation sa lungsod.
Ani Mayor Belmonte, hindi kailangang madaliin ang paglilinis sa mga sagabal sa kalsada dahil may deadline ang DILG.
Aniya, mahalaga na walang maiiwan sa gagawing pagpapatupad ng kalagayang pangkaayusan ng lungsod.
Sa ngayon ay binabalanse nila ang aspetong livelihood ng mga illegal vendors at ang pagsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod naman ito ng ulat ng DILG na na mabagal ang Quezon City sa progreso ng clearing operation sa lungsod.
Tinututukan na ng QC LGU ang kapakanan at kabuhayan ng mga vendor na naapektuhan ng ginagawang road-clearing operations.
Hinahanapan ng QC LGU ng public market ang mga displaced vendor kung saan ay maaaring i-waive ang rental fee.
Sa katunayan, mahigit 200 na vendors sa Brgy. Culiat ang nagparehistro ng kanilang tindahan.









