Mayor Joy Belmonte, nirerespeto ang resignation ni QCPD Director Nicholas Torre III; mga mahusay na nagampanan nito, pinuri ng Lady Mayor

Iginagalang ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang pagbibitiw ni PBGEN Nicolas Torre III bilang QCPD Director.

Sa isang pahayag, sinabi ni Belmonte na bahagi ng paglalakbay ng sinuman ang magkaroon ng misstep o pagkakamali sa mga desisyon o aksyon.

Ito aniya ang bubuo o magdedetermina sa pagkatao ng sinuman.


Pero, kapuri-puri aniya ang ipinakita ni Torre na pag-ako sa resulta ng kaniyang aksyon.

Nangako naman ang alkalde na bibigyan si Torre ng patas na imbestigasyon.

Iniimbestigahan na rin kasi ng City Legal Department at ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) ang nangyaring road rage incident sa Quezon City, na nag-viral pa sa social media.

Pinasalamatan naman ni Belmonte si Torre sa mga mahusay na nagampanan nito bilang QCPD Director.

Facebook Comments