Mayor Joy Belmonte, pinangunahan ang pag-aalay ng bulaklak sa Ninoy Aquino Memorial Monument sa QC kaugnay ng 36th death anniversary ni Ninoy

Ginunita rin ng Quezon City government ang ika-tatlumpu’t anim na anibersaryo ng brutal na pagkamatay ni dating Senador Benigno Aquino.

Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang pag-aalay ng bulaklak sa Ninoy Aquino Memorial Monument sa kanto ng South Triangle.

Nakibahagi rin sa okasyon ang Quezon City Police Department (QCPD) at iba’t- ibang women’s groups.


Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Belmonte na mahalaga na gunitain ang kabayanihan ni Ninoy.

Aniya, maliban sa residente na ng Quezon Citoy ang mga anak, naniniwala siya sa diwa ng demokrasya na ipinaglaban ni Ninoy.

Dahil sa demokrasya na ibinalik dahil sa pagmartir ni Ninoy kaya tinatamasa ng mga taga-Quezon City ang fair gender policy at naririnig na ang boses ng LGBT, seniors at kababaihan.

Magkatuwang din ang QCPD at DPOS sa pagpapanatili ng seguridad at traffic sa kanto ng Quezon at Timog Avenue.

Facebook Comments