Humingi ng paumanhin si Cainta Mayor Johnielle Keith Pasion “Kit” Nieto matapos sumakay sa motorsiklo nang walalng helmet.
“I make this public apology to all who have witnessed me riding a motorcycle without a helmet heading towards a church to attend a wedding,” pahayag ng alkalde sa kaniyang Facebook post noong Huwebes.
Aniya, nararapat lamang na tikitan siya dahil lumabag siya sa batas-trapiko.
“I offer no excuses for breaching the law. I only attempted to explain what happened and why I did it.. but it does not in any way exempt me from complying with what is required by our laws,” saad pa ng opisyal.
Nagtungo din si Nieto sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) at Department of Interior and Local Government (DILG) para harapin ang kaukulang parusang ipapataw sa kaniya.
Dagdag pa ng alkalde, kailangan maging maingat siya sa kaniyang ginagawa bilang kawani ng gobyerno.
Iprinisenta din ng mayor sa publiko ang nakuhang citation ticket.
Matatandaang naging viral ang retrato ng pinuno na walang suot na helmet habang nagmomotor papunta sa isang kasal.
“Late na sa kasal eh..ninong,..para-paraan lang para umabot,” nakasaad sa caption.