Mayor Magalong, inspirasyon ang istilo ni Ping

Inamin ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na inspirasyon niya sa kanyang pamumuno at pagiging lingkod-bayan ang istilo ni Partido Reporma Chairman at standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson dahil sa taglay niyang katangian ng pagiging isang tunay na lider na handang-handa para resolbahin ang mga problema ng bansa.

Kapwa naging tanyag sina Lacson at Magalong dahil sa kanilang mahusay na pagsisilbi sa Philippine National Police (PNP) bago pumasok sa politika, kung saan nagamit nila ang kanilang matibay na paninindigan para sugpuin ang korapsyon, at mataas na pamantayan sa serbisyo publiko.

Si Magalong ang naging pinuno ng Special Operations Battalion, Counterterrorism Group.


Kaya naman sinabi niya na talagang malaki ang tiwala sa kanya ng presidential candidate ng Partido Reporma bilang pulis at lingkod-bayan.

“The reason why I am this kind of person is because (of) someone when I was in the PNP. When I was serving under him, (Lacson) has so much influence in the way I think, in the way I govern, in the way I manage—and that’s Senator Panfilo Lacson,” sabi ni Magalong.

Ayon pa kay Magalong, kahit naging magkatrabaho sila ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na mapalapit kay Lacson nang pareho pa silang aktibo sa serbisyo. Gayunpaman, naging ehemplo umano sa kanya ang dating boss dahil sa mga pagbabagong ginawa niya sa kapulisan na nakaangkla sa sinusunod niyang prinsipyo.

“How he (Lacson) led the Philippine National Police, very transparent, grabe ang accountability. And you know, it’s all about governance and it’s the same thing that I’m applying. Governance beyond politics—that’s my battle cry now in the City of Baguio,” saad ni Magalong.

Tiniyak ni Magalong na sa ilalim ng pamumuno ni Lacson ay magagawa niya ang isinusulong na mithiing “Ayusin ang Gobyerno at Ubusin ang Magnanakaw” dahil sa ipinakita nitong magandang halimbawa ng pagkakaroon ng integridad at tapat na serbisyo para sa mga Pilipino.

Facebook Comments